GLORIA “GUMAMIT” DIN NG MEDICAL MARIJUANA

MEDICAL MARIJUANA

(Ni BERNARD TAGUINOD)

UMAMIN si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na gumamit ito ng medical marijuana noong nasa ibang bansa sa kanyang iniindang sakit sa gulugod.

Sa ambush intervew, sinabi ni Arroyo na malaki ang naitutulong ng medical marijuana sa mga taong nangangailangan nito dahil sa kanilang sakit dahil nasubukan na niya ito sa ibang bansa.

“As you know I have my problem here (cervical spine) and when I’m in a country that allows it, I put a pain patch but here in the Philippines I cannot do it,” pahayag ni Arroyo.

Ito ang dahilan kaya kabilang umano si Arroyo  sa mga may-akda  sa House Bill 6517, o  Philippine Compassionate Medical Cannabis Act dahil naniniwala ito sa epekto ng medical marijuana.

Nagdulot ng pagpapatibay sa nasabing panukala, na orihinal na inakda ni Isabela Rep. Rodito Albano, nang palitan ni Arroyo si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Gayunpaman, dahil sa pagdami umano ng sumusuporta sa nasabing panukala kabilang na si Ms. Universe Catriona Gray ay muling nagbigyan ng pag-asa ang medical marijuana bill.

“That’s why we are just letting the legislative process take its course. Right now it’s on second reading,” ani Arroyo.

11

Related posts

Leave a Comment