GMA PINAGPAPALIWANAG NI DU30 SA ‘PORK BARREL’

DUTERTE-SGMA

GUSTONG malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte mula mismo kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit may mga isiningit na multi-bilyong pork barrel sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng pamahalaan para sa  susunod na taon.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Atty. Salvador Panelo, hangad ni Duterte kung bakit mayroong “insertions” sa mungkahing badyet ng administrasyon.

Umabot sa P2.4 bilyon ang ikinargang pork barrel sa distrito ni Arroyo sa Pampanga, saman-talang si Majority leader Rolando Andaya Jr. naman ay P1.9 bilyon para sa Camarines Sur, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Hindi pa man ipinararating ni Arroyo ang kanyang paliwanag sa Malakanyang, sinaklolohan na ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ani Diokno, bahagi ng kapangyaruhan ng mababang kapulungan na baguhin, ilipat, at asuyin ang mungkahing badyet ng pambansang pamahalaan, kaya wala aniyang masama sa ginawa ni Arroyo.

2

Related posts

Leave a Comment