(NI ABBY MENDOZA)
KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue(BIR) ang top executives ng GMA 7 na si Felipe Gozon at Philippine Daily Inquirer (PDI) News Website President Paolo Prieto dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P23.48M mula sa kanilang binuong internet publishing company na INQ7 Interactive Inc.
Ayon sa BIR, nagsara na noong 2006 ang nasabing kumpanya nang magtapos ang partnership ng GMA 7 at PDI subalit hindi naman nagbayad ng buwis ang mga ito.
Maliban sa GMA at PDI, ay 10 iba pang kumpanya ang kinasuhan ng BIR ng hindi pagbabayad ng buwis mula taong 2005 hanggang 2013 na umaabot sa kabuuang P611M.
Kabilang dito ang Ski Construction Group na hindi nagbayad ng P467.25M; Prestige Cars Makati Inc, Lucky Charm Pub and Restaurant Corp, Underground Logic Inc, JP Med Asian Pacific Inc, Information Products Corp, Tridem Asia Publishing Inc, Integrated Dynamic Service Inc, Calcarries International Inc at Eurobrokers International Inc.
“The respondents’ failure and continued refusal to file or pay their long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to file or pay the taxes due to government,” ayon sa BIR.
411