GMRC SUBJECT BUBUHAYIN

mano po1

(NI BERNARD TAGUINOD)

ITINUTULAK ng isang mambabatas ang pagbuhay sa subject Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang basic  education curriculum sa bansa na sasabayan ng social media ethics at road courtesy.

Sa kanyang tatlong panukalang batas na ihinain nais ni 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., na sabay-sabay na isama ang mga nabanggit na subject sa curriculum ng ng K-12 program ng Department of Education (DepEd) para maturuan ng tamang asal ang mga estudyante.

“I have authored and filed a bill on GMRC (HB 6705). I also proposed a Social Media Ethics Act (HB 4248) and Road Courtesy and Appropriate Street Behavior Act (HB 4247). I filed these bills so that honesty will not be a lonely word in our society,” ani Belaro.

Dati nang mayroon GMRC subject sa elementarya subalit inalis ito at isinama na lamang sa Social Studies kaya hindi na natutukan ng husto ang tamang asal ng mga estudyante.

Sinabi ni Belaro na ang social media explosion ngayong ‘internet age” ang dahilan kung bakit nitong buhayin muli  o ibalik ang GMRC bilang hiwalay na subjects sa basic education sa bansa.

Subalit nais sabayan ng mambabatas ang pagbuhay sa GMRC subject sa road courtesy at tamang asal sa social media na kapag nangyari aniya ay malaki ang matitutulong sa paghubog sa magandang asal ng mga kabataan, hindi lang sa lansangan kundi sa lipunan sa kabuuan.

Naniniwala ang mambabatas na habang bata pa ang mga kabataan ay kailangang matutunanan na ng mga ito ang paggalang, katapatan at pasensya kaya mahalaga umano ang mga nabanggit na subject lalo na ang GMRC na maituro sa mga eskuwelahan.

“Teaching the basic standards of ethics, virtues such as honesty and patience–all of which have been grossly diluted in this age of the internet and fake news,” ayon pa sa kongresista.

11

Related posts

Leave a Comment