NAIS ni Senador Alan Peter Cayetano na bumalangkas ang gobyerno ng malinaw na estratehiya o mga hakbagngin upang mapangalagaan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa ngayon, puna ni Cayetano ay walang malinaw na paraan ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo dahil tuwing magpapalit ng administrasyon ay nababago din ang estratehiya ng bansa.
Napansin ng senador na sa mga naupong Pangulo, mayroong pro-China, anti China, pro-US at anti-US.
Ibinabala ng senador na kung ganito palagi ang sistemang paiiralin sa West Philippine Sea ay tiyak na “recipe” ito sa tuluyang pagbagsak ng bansa.
Iminungkahi ni Cayetano na sa halip na hayaan ang mga tagapayo ng Pangulo na bumuo at magpatupad ng polisiya ay mas marapat na maging bahagi ang mga military leaders kasama ang mga diplomats sa decision-making process kaugnay sa West Philippine Sea. (Dang Samson-Garcia)
141