(NI BETH JULIAN)
HINDI na pag-aaksayahan pa ng panahon ng gobyerno ang paninira sa Pilipinas sa mata ng International Community ng ilang mga organisasyon.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala silang balak na magsagawa pa ng imbestigasyon sa lumutang na report na nagsabing posibleng may international growth na konektado sa Communist Party of the Philippines ang kumilos kaya ‘t nagkaroon ng resolusyon ang Iceland para imbestigahan ang sitwasyon ng karapatan pantao sa bansa.
Iginiit ni Panelo na hahayaan na lamang nila ito dahil batid naman nilang mayorya sa mga Filipino ay hindi na naniniwala sa nasabing asosasyon.
Ayon kay Panelo, itinuturing nilang pag-atake sa soberenya ng bansa ang ginawa ng Iceland lalo na’t ibinase lamang ito sa malisyoso at hindi makatotohanang balita.
Sinabi ni Panelo na maging si Pangulong Duterte ay magtataka nga kung bakit ginagawa ito ng Iceland sa Pilipinas.
Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng Pangulo kung tuluyan nang puputulin nito ang ugnayan ng Iceland at Pilipinas.
296