GORDON: PRRD, NAGSE-SELF DESTRUCT

0

TINAWAG ni Senador Richard Gordon na ‘self destruction’ na ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagdipensa sa mga iniimbestigahan ng Senado kaugnay sa sinasabing overpriced na procurement ng mga kagamitan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“You are on self destruct by doing destructing methodology, Mr President kaya mag-ingat din kayo because lahat may katapusan,” saad ni Gordon sa panayam ng DWIZ.

Sinabi ni Gordon na tila nasa panic mode na si Pangulong Duterte nang aminin nito mismo na inutusan niya ang kaibigang si Michael Yang para sa pakikipagtransaksyon sa mga Chinese company para sa supply ng mga kagamitan.

Pinayuhan din ng senador ang Punong Ehekutibo na sa halip na batikusin ang mga senador na nagsasagawa ng imbestigasyon ay mas makabubuting pagsabihan ang kanyang mga kaibigan at paaminin sa kalokohan.

Muli ring umapela si Gordon na hayaan na lamang silang gawin ang kanilang trabaho at ang dapat gawin ng Pangulo ay ipagpatuloy ang pagtulong sa taumbayan.

Ipinaliwanag pa ng senador na sa mga nakikita nilang sirkumstansya malinaw na plinano ang plunder sa pangunguna ni Yang.

Gayunman, hindi anya maiaalis na madawit mismo ang Pangulo dahil sa kanyang mga pahayag. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment