GOV’T FEE SA FIRST TIME JOBSEEKER ILILIBRE NA

job22

(NI BERNARD TAGUINOD)

PIRMA na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang at libre na ang mga first-time job seekers sa mga bayad ang mga ito sa pagkuha ng mga dokumento sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na gagamitin nila sa pag-aapply ng trabaho.

Bago nag-adjourn ang Kongreso noong Pebrero 8, niratipikahan na ng Kamara ang House BIll 172 at Senate Bill 1629 o “First Time Jobseekers Assistance Act” at hinihintay na lang ang lagda ni Duterte para maipatupad na ito.

Sa sandaling maging batas ang panukala, hindi na sisingilin ang mga first-time job seekers ng bayad kapag kumuha ang mga ito police clearance certificate; National Bureau of Investigation (NBI) clearance; barangay clearance; medical certificate sa mga public hospital maliban sa mga laboratory test at medical procedure.

Hindi na rin magbabayad ng fees ang mga bagong aplikante na karamihan ay mga bagong graduate kapag kumuha ang mga ito ng ; birth certificate; marriage certificate; transcript of academic records; Tax Identification Number (TIN); Unified-Multi-Purpose ID (UMID) card at iba pang documentary requirements na kailangan para makapag-apply ang mga ito ng trabaho.

Kailangang magpakita lang ang mga first-time job seekers ng sertipikasyon muna sa kanilang barangay na unang pagkakataon pa lamang ang mga ito na maghanap ng trabaho para malibre na ang mga ito sa mga bayarin sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno.

Imomonitor umano ng oversigth committee ang implementasyon ng nasabing panukala upang masiguro na ipapatupad ito ng mga ahensya ng gobyerno at matulungan ang mga bagong aplikante na mabaawasan ang kanilang gastusin sa paghahanap ng trabaho.

 

108

Related posts

Leave a Comment