GOV’T PERSONNEL TATANGGAP NA NG BONUS, CASH GIFT

TATANGGAPIN na ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ang kanilang year-end at cash gift bonus simula ngayong araw, Nobyembre 15, 2022.

Ang kabuuang budget para sa pagbibigay ng year-end bonus sa kwalipikadong civilian at military/uniformed personnel sa iba’t ibang national government agencies ay P56,733,480,000.

Sa kabilang dako, sa ilalim ng FY 2022 General Appropriations Act (GAA), ang kabuuang appropriations para sa pagbibigay ng cash gift ay P8,619,540,000.

“The release of the year-end bonus and cash gift is provided naman po under our GAA for this year. For sure, many of our fellow government workers have been looking forward to this. We wish to remind our fellow government workers to budget and spend wisely, as what we would always promote here at the DBM,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

Ang rules and regulations sa pagbibigay ng year-end bonus at cash gift ay nakasaad sa ilalim ng DBM Budget Circular (BC) No. 2016-4 na may petsang Abril 28, 2016.

Ang year-end bonus ay katumbas ng isang (1) month basic pay “as of October 31” at ang cash gift na P5,000 ay dapat na ibigay sa mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno “not earlier than November 15” ng kasalukuyang taon.

Nakasaad din sa rules and regulations na ang year-end bonus at cash gift ay dapat na ipagkaloob sa mga kwalipikadong mga tauhan ng gobyerno, “subject to the following conditions: personnel has rendered at least a total or an aggregate of four (4) months of service from January 1 to October 31 of the current year, and personnel remains to be in the government service as of October 31 of the same year.” (CHRISTIAN DALE)

16

Related posts

Leave a Comment