Graduates dapat makaagapay sa ‘new normal’ EDUCATION SYSTEM PINAREREPASO NI NOGRALES

0

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang buhay ng mga tao ang binago ng pandemya sa COVID-19 kundi ang business model kaya kailangan ang agarang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ito ang iginiit ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles upang malaman kung may dapat baguhin sa sistema ng edukasyon at maipatupad ito upang hindi mapag-iwanan ang mga graduate sa bansa sa pagbabago ng panahon.

“The pandemic has created massive revolutionary changes in our education. We are witnessing paradigm shift, we are having an overhaul in our business and technological models so there is an urgent need to evaluate our education strategies,” ani Nograles.

Layon umano nito na malaman kung ano ang mga dapat baguhin sa sistema ng edukasyon, ano ang mga dapat itulong ng Kongreso sa nasabing sektor, upang masiguro na hindi mapag-iiwanan ang mga graduate sa pagbabago ng panahon dulot ng pandemya sa COVID-19, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“We have to take a clear-minded view of the situation. Baka kasi hindi na akma ang targets natin dahil nag-iba na ang labor requirements dahil sa pandemya. Nagbabago ang business models, nagbabago ang teknolohiya, nagbabago ang pangangailangan ng tao––kailangan akma ang edukasyon natin sa mga realidad na ito,” ang unang pahayag ni Nograles, vice chairman ng House committee on education.

Mas lalong dapat aniyang gawin ang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon, hindi lamang sa K-12 program kundi sa higher education institutions, nagkaroon umano ng education gap dahil inalis ang face-to-face classes dulot ng pandemya at sa halip ay nag-aaral ang mga kabataan sa pamamagitan ng distrance learning.

“Our students are facing education gap, primarily because of the removal of traditional face-to-face classes and we need to address this education gap in order to enhance our country’s recovery from pandemic,” dagdag pa ni Nograles.

Kasama rin aniya sa evaluation kung papaano matulungan ang mga guro sa pamamagitan ng dagdag na allowances at hazard pays sa pagganap sa kanilang mga tungkulin sa gitna ng pandemya.

Sinuportahan din ni Nograles si Commission on Higher Education (CHEd) Chairman Prospero de Vera sa kanyang itinutulak na flexible learning system habang hindi pa nakakawala ang bansa sa pandemya.

“Because this [flexible learning system] is in response to our changing assessment and our review (on) the need of our education sector,” dagdag pa ng mambabatas.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment