GRAFT CASE VS YNARES, JR. TULOY

sandi

(NI TERESA TAVARES)

TULOY ang pagdinig sa kasong katiwalian laban kay dating Rizal governor Casimiro Ynares Jr. kaugnay sa umano’y overpriced na pagbili ng organic fertilizers.

Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion for reconsideration ni Ynares upang mapawalang bisa ang pagdinig sa kinakarap na kaso.

Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang akusado na magprisinta ng mga bagong argumento upang baligtarin ng korte ang desisyon nito.

Nilinaw ng anti graft court na wala na rin saysay ang apela ni Ynares dahil ibinasura na noon ng Supreme Court ang kaniyang petition for certiorari.

Inihayag ng  Sandiganbayan na mismong ang SC na ang nagpunto na wala silang ginawang “grave abuse of discretion” nang hindi tangapin ang motion to quash ni Ynares.

Sa rekord ng korte, pumasok sa kontrata ang akusado sa  Feshan Philippines noong November 2004 para sa suplay ng  1,266 na botelya ng  organic fertilizers sa halagang  P1,500 kada isa ngunit hindi idinaan sa public bidding.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, umabot sa kabuuang P1.67 milyon ang nalugi sa pamahalaan.

220

Related posts

Leave a Comment