GRANDSTANDING SA KAMARA NAKASUSUKA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

KINASTIGO ng netizens ang mga kongresista sa paraan ng kanilang paghawak sa isinasagawang imbestigasyon sa mga kontrobersyal na kaso ngayon tulad ng POGO.

Maraming nagsabi na ginagamit na lamang ng mga kongresista sa kanilang grandstanding ang mga hearing. Lalo pa anila at malapit na naman ang susunod na eleksyon kaya maraming mambabatas ang sinasamantala ang pagkakataon para magpasikat.

Partikular na ikinairita ng mga netizen ang tila pamamahiya ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Cassandra Li Ong nang kanya itong pagalitan sa attitude ng pagsagot at sabihang nagpapa-cute.

Bagaman, naniniwala ang mga netizen na totoong malaki ang pananagutan ni Ong sa POGO, hindi nila nagustuhan na magaspang ang pag-uugali ng maraming kongresista sa pagtatanong sa kanilang mga resource person na madalas ay tila nambu-bully na.

May ilan namang pumuri sa mga mahinahon at maayos na nagtatanong na kongresista tulad ni 2nd District of Surigao del Sur Rep. Johnny T. Pimentel.

Patutsada pa nila, puro na lang hearing pero natatakasan naman ang Senado at Kamara.

Mababasa sa Facebook, X at maging sa Instagram ang mga pagbatikos kay Adiong.

Anila pa, nakakasuka ang asal ng maraming mambabatas sa Senado at Kongreso na ginagamit ang kanilang mga hearing para magpasikat.

Ganito ang mga mababasang komento sa social media:

Kampilan:
Nagsasalita si Cassandra, tapos biglang may congressman na sumasabat., hindi man lang nagbigay galang. Nagsasalita pa si Cassandra. Walang-hiya! tapos si Cassandra pa ang mali. lang hiya talaga.

Joson:
Magalang naman sumagot. Bakit kayo nagagalit? Kayo yan sa Congress ang dapat umayos sa mga rules at pagtatanong dyan.

Norman:
Bullying? Parang iba na dating. Feeling korte pero asal kalye

Bond:
Si Adiong masyado din pa kyut di nga makaPorma kay Sara hahaha wag kang matakot sa mga walang bayag na yan. Nangingisay tan pag walang mga escorts na pulis at goons nya.

Kevin:
Ong has the confidence of someone who knows she’s gonna get away with it

papaitan:
Halata namang abusado sa tono ng pananalita ang mga kongresista. Meron pang hirit, “masyado kang pa kyut” samantalang, yung nasa kongreso puro yabang lang. ang tagal nila nagpa uto kay duts, tpos ngayon tapang-tapangan

obsessed:
I sense grandstanding, wala na talaga ang statemanship sa mga public officials, and to that effect yung dapat sana na objective na tingin ng tao sa hearing lumalabas biktima pa itong si Ms Ong
Hindi naman ito pelikula na nasa presinto ang suspect sabay gigiriin ng pulis patola

Maple:
The fact na tumakas to kasama sila Guo means may tinatago talaga tong mga to. Let her face the court. Ready naman daw sya. May kayabangan, tingnan natin saan aabot yabang nya.

Dear John:
Parang mas may attitude yung kongresista. Nagtanong kayo diba? So hayaan niyo siya sumagot.

don:
Congressman Adiong, tahimik ka rin lang at walang kibo sa bastos na asta ng ka Mindanao mo, si OVP Sara, during the budget hearing.
Kasi mas sobrang “pa cute” yung Sara kesa dito ke Cassandra Ong.
Tumahimik ka na lang, congressman!
Namimili ang tapang mo eh.
Pa cute ka rin!

jhus:
Parang mas atichona pa yung Congressman ah

Chris:
Hindi ko sa kinakpihan si Cassandra pero maayos naman siya magsalita.

chou:
Putek keyayabang ng mga trapong tu. kadiri

Levon:
The congress is now become a court room. This is suppose to be in aid of legeslation pero ang mga tanong nila e parang convicted na ang mga resource persons. Few years from mawawa ang respeto ng tao sa mababang kapulungan. Inquiry lang dapat kayo. Hindi kayo hukom!

Boomjaja:
Dami paepal ngayonna kongresista..malapit nanaman kasi election

Fritz:
In this scenario, si babae ang nasa tama. The question was alreay been asked and the floor was already given to her but they opt to interrupt her during her time. Wrong move guys. Hinay-hinay na lang sa pagpapapogi, baka imbes si babae ang ma-persecute ay kayo ang madale.

midz:
Ganyan na talaga yang asal ng House of Crocs na yan, kapag ayaw nila ng sagot mo yari ka. Gusto nila, sumunod ka sa gusto nila or they’d pin you down. Tamo, mga distrito ng mga yan binabaha na at lahat pero wala sila pake. Time to hold these congressmen accountable

Denji:
You demand respect pero kung makatalak naman nakapa unprofessional heee puro grandstanding at lip service naman hays sabagay lapit na midyear election

39

Related posts

Leave a Comment