GRATITUDE, BRIBERY DAPAT KLARUHIN – LACSON

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

HINILING ni Senador Panfilo Lacson na dapat na klaruhin ang “gratitude” at “bribery” sa mga batas na kagaya ng  Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at RA 3019 o Anti-Graft Act.

Ayon sa senador, sa ilalim ng RA 6713, maaaring tumanggap ang isang  public official at empleyado ng “gift of nominal value” bilang regalo o pagpapasalamat mula sa natulungan.

“Our present laws have no clear definition of what is nominal. What is nominal for one person may be of value for another. That is something we have to address so our authorities can implement the law,” paliwanag ni Lacson.

“If the present laws were implemented to the letter, how many people would be left in government?” pahabol pa nito.

Aniya, mas mainam magpakita ng pasasalamat sa tulong na ibinahagi ng tauhan ng pamahalaan kung sa halip na personal na regalo ay magbigay ng opisyal na donasyon sa ahensiyang kanilang pinagtatrabahuan.

Suhestiyon ito ni Lacson bilang pangunang hakbang para suriin at pinuhin sa mga batas laban sa katiwalian.

“Our laws should take into account Filipino values such as ‘utang na loob,’ as there are Filipinos who may be offended if their gesture of gratitude is declined,” pahayag ni Lacson.

Paglilinaw nito na dapat maging malinaw ang mga nilalaman ng batas laban katiwalian ang pagkonsidera sa kulturang kinasanayan na ng mga Pinoy kagaya ng utang na loob kung saan nagbibigay sila ng regalo sa mga nakatulong sa mga ito.

“To be clear: Revisiting the law is not about providing excuses for accepting ‘gifts.’ This is about making our laws implementable and more attuned to our Filipino values. What good is a law if it cannot be implemented properly?” dagdag pa ng mambabatas.

Bilang halimbawa ay muling binalikan ni Lacson ang kanyang kapanahunan bilang Lieutenant Colonel sa Philippine Constabulary Metropolitan Command (PC-Metrocom), kung saan ni-rescue nila ang kidnap victim na si Robina Gokongwei.

Halos hindi siya tinigilan ng pamilya ng biktima at pilit na binibigyan ng pabuya sa ligtas na pagkaka-rescue sa biktima, subali’t hindi talaga niya ito tinanggap dahil sa kanyang no-take policy, sa pangambang baka sa mga susunod na ganitong uri ng misyon ay hindi na kumilos ang kanyang pangkat kapag mahirap na mamamayan na ang nangangailangan ng tulong.

Kaya ang ginawa ng pamilya Gokongwei ay nag-donate na lamang sila ng mga patrol vehicles sa PC, at dinaan ang deed of donation sa noo’y PC Chief Maj. Gen. Fidel V. Ramos.

 

123

Related posts

Leave a Comment