(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY RAFAEL TABOY)
ITINUTURING ng mga senador na tagumpay ang initial decision ni Judge Jocelyn Solis Reyes sa kaso ng Maguindanao Massacre, 10 taon na ang nakalilipas.
Kasabay nito, pinuri ng mga senador ang hukom sa katapangan at dedikasyong ipinakita nito sa paghawak sa kaso.
Sinabi ni Senador Joel Villanueva na ang desisyon ng hukom ay magpapabalik sa tiwala ng taumbayan sa justice system.
“This decision restores faith in the justice system. I salute Judge Jocelyn Solis Reyes for her dedication and her courage to stand for what is right and just.
We hope that our authorities continue to account for the other accused who have yet to be arrested and tried,” saad ni Villanueva.
Iginiit naman ni Senador Kiko Pangilinan na kailangan pa ring maging mapagbantay ang media sa takbo ng kaso kasabay ng paggiit na dapat ding managot ang mga taong nasa likod ng mga pagpatay sa kampanya kontra droga.
“Dapat lang! Kailangan manatiling mapagbantay ang media at taumbayan dahil may apela pa. Senayales din ito sa mga nasa likod ng drug war kung saan araw-araw na patayan ng libu-libong mga kababayan natin. Tulad ng Ampatuan masaker dapat managot ang mga may kinalaman sa mass murder,” diin ni Pangilinan.
“Justice won today,” maikling pahayag naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
Ipinaalala naman ni Senador Richard Gordon na hindi maaaring ipatupad sa mga convict ang regulasyon hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
“Judge Reyes deserves to be commended for continuing with the case to its conclusion after she took over from another QC judge. The lady judge displayed her commitment to fulfilling her duty to dispense justice fairly even in the face of considerable intimidation. It was a very hard work for her,” giit ni Gordon.
360