HALUGHUGIN ANG MGA NOGO – SOLON

HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Task Force POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) na paigtingin ang paghalughog sa mga Non-registered Gaming Operation (NOGOs).

Ginawa ni House games and amusement vice chairman Eric Yap ang nasabing panawagan matapos ang sunod-sunod na operasyon laban sa mga illegal POGO na nag-ooperate kahit sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Sigurado marami pang Non-registered POGO ang nag-ooperate dyan. Kailangang haluglugin ang lahat ng sulok para mahuli sila,” ayon pa sa mambabatas.

Huling operasyon ng mga otoridad sa mga NOGO noong Huwebes sa Las Pinas kung saan 265 Chinese nationals ang nasakote at nakakumpisa ng P6,463,490 in cash, iba pang foreign currency bills, laptop computers, desktop computers, central processing units (CPUs), cellphones at iba pang gadgets na ginagamit sa on-line gaming.

Naniniwala ang kongresista na tuloy-tuloy ang operasyon ng mga POGO lalo na ang mga ilegal kahit ipinasara ang mga ito ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong kasagsasagan ng ECQ.

“Aside from the fact that they are conducting illegal gaming operations, they are also breaching the security and health protocols observed during the community quarantine. Kung sino pa ang illegal, sila pa ang malakas ang loob na mag-violate nito,” ayon pa kay Yap.

Kasabay nito, nangako ang mambabatas na sisiguraduhin ng mga ito na may mapanagot sa NOGOs at kailangang maibalik sa China ang mga nahuling Chinese nationals. BERNARD TAGUINOD

58

Related posts

Leave a Comment