Hamon ng solon sa FDA-DOH KONEKSYON SA BIG PHARMAS ILANTAD

0

HINAMON ni Deputy Speaker Rodante ang mga health official lalo na ang mga nasa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) na ilantad kung sino sa mga ito ang may koneksyon sa malalaking pharmaceutical companies para magkaalaman na.

“Why shouldn’t FDA and DOH officials undertake disclosures for the public to see who among them have links with Big Pharma (Merk, Pfizer, Biocore, etc) i.e., funding of projects, trips/studies sponsored, research grants and the like,” ani Marcoleta.

“Going after the doctors is like killing the messengers,” ani Marcoleta.

Pahayag ito ng mambabatas sa gitna ng tila panggigipit umano ng nasabing mga ahensya sa mga doktor na nagreseta ng Ivermectin sa “community pan-three” project sa Matandang Balara, Quezon City noong nakaraang linggo.

Ang nasabing proyekto ay inisyatiba nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Marcoleta upang matulungan ang mga residente ng Quezon City ngayong ang nasabing lungsod ay may mataas na COVID-19 infection sa buong Metro Manila at marami ang namamatay.

Nauna nang sinabi ng FDA at DOH na kanilang paiimbestigahan sa Professional Regulation Commission (PRC) sina Drs. Allan Ladrito, Iggy Agbayani, Noel Castillo at Sham Quinto sa kanilang pagrereseta ng Ivermectin sa Community Pan-Three.

“It’s about helping people at the time when the very people tasked to do it are hesitating and dillydallying, when the time to act fast and decisively is wasted by complacency and indecision, when they refuse to improvise and be flexible and chose to stick to peacetime guidelines that do not apply in a war-like pandemic that we are all in,” ani Marcoleta sa pagtulong ng mga nabanggit na doctor sa kanilang proyekto.

Dahil dito, hindi makatarungan na imbetigahan at plano pang parusahan aniya ang mga nabanggit na doctor gayung nais lang ng mga ito na matulungan ang mamamayang Filipino na nahihirapan na sa pandemya at patuloy na nanganganib sa COVID-19 dahil wala silang proteksyon.

Hindi aniya ito gagawin ng mga nabanggit na doctor kung wala silang hawak na pruweba na mabisa ang Ivermectin laban sa COVID-19 at marami na umanong pag-aaral na ginawa sa ibang bansa subalit ayaw kilalanin ng FDA at DOH dahil mas pabor ang mga ito sa mas mahal na gamot tulad na Remdesivir bagaman hindi ito aprubado ng Wold Health Organization (WHO). (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment