HAMON SA DOH: BACTERIA VS DENGUE PAG-ARALAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Deparment of Health (DOH) na pag-aralan ang natuklasan ng Malaysia na bacteria na pangkontra sa dengue.

Kasabay nito, pinarerebyu ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang National Dengue Prevention & Control Program matapos umabot sa 402, 694 ang naitalang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre 16 na mas mataas ng 209,335 kumpara sa naitala noong 2018.

“We understand that Malaysia has brought in the Wolbachia bacteria, which retards the dengue virus in the Aedes mosquito, and lessens the risk of the disease getting passed on to humans,”  ani Defensor, vice chair ng House committee on health.

Ayon sa mambabatas, agresibo ngayon ang Malaysia sa pagpapakalat ng Aedes Walbochia eggs sa mga target areas kung saan maraming naitalang dengue cases sa kanilang bansa.

Nababawasan umano ang populasyon ng mga lamok na may dalang dengue virus dahil sa bacteria  ito at nababawasan ang kaso ng dengue ng mula 50 percent hanggang 70 percent.

Wala aniyang masama na pag-aralan ang natuklasang ito sa Malaysia lalo nakabahala ang sitwasyon ngayon sa bansa dahil parami ng parami ang nagkakaroon ng dengue dahil sa climate change.

“It is very likely that mosquitos are breeding at alarming rates due to harsh climate change,” ani Defensor kasunod ng babala ng Georgetown University Medical Center na bilyong katao sa mundo ang posibleng magkaroon ng dengue dahil sa pagbabago ng panahon.

Kailangan na rin aniyang balikan ang anti-dengue program ng gobyerno dahil umabot lamang aniya sa 185,008 dengue cases at  732 namatay sa kada taon nakaraang 5 taon subalit nitong 2019 lamang aniya ay pumalo ito sa 402, 694 at ikinamatay ng  1,502 katao.

196

Related posts

Leave a Comment