Hamon sa Kongreso matapos siraan si VP Inday P1.6-B INTEL FUND NI SPEAKER, NASAAN?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

KINUWESTYON ng International Relations scholar at social media influencer na si Sass Rogando Sasot kung saan napunta ang P1.6 bilyon confidential funds ng House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez.

Ito’y sa gitna ng realignment ng Kamara sa confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang post sa Facebook, inihayag ni Sasot na base sa isang retired Commission on Audit (COA) Division chief, ngayong 2023 ay may P2.2 bilyon confidential funds ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., P1,6B sa opisina ni Romualdez, P331 milyon sa Senado sa ilalim ni Senate President Juan Miguel Zubiri at P650 milyon sa Office of the Vice President at Department of Education na kapwa pinamumunuan ni VP Sara Duterte.

Ayon kay Sasot, ang confidential funds ni Romualdez ay nakatala bilang extraordinary expenses.

“A Retired COA Division chief just contacted me. Mas malala raw ang 1.6 billion confidential funds ni House Speaker Martin Romualdez. Dahil ito ay listed specifically as “Extraordinary Expenses.” And according to the Retired COA Division chief, “mas madali gamitin ang Extraordinary kasi Certification lang ang supporting docs. Mas matindi pa ang Confidential Funds kasi ang daming kailangan i-submit sa COA.”

What can you say about this Congresswoman Teacher Stella Quimbo? Maging fair ka naman Dr Quimbo. Sayang ang PhD mo.,” post ni Sasot sa kanyang Facebook page.

Pinatutsadahan din nito si Marcos dahil mayroon aniya itong halos 4 bilyon intel at confidential funds ngunit tila kulang pa para mahabol ang rice smugglers at hoarders.

Matatandaang masigasig ang Makabayan bloc sa Kamara na alisan ng secret funds ang mga tanggapan ni Duterte dahil wala sa mandato nito ang pangangalaga sa national security.

Umaabot sa P650 million ang hinihinging intel at confi funds ni Duterte sa ilalim ng 2024 national budget.

Ikinaalarma rin ni House deputy minority leader France Castro ang natuklasan na umaabot sa P2.697 billion ang ginastos ni Duterte na confidential funds sa loob ng anim na taong pagiging mayor nito ng Davao City.

“Perhaps this is why Vice President Sara Duterte is so eager to have a confidential fund in her national office, as she may have become accustomed to such a practice during her time as mayor of Davao,” ani Castro.

136

Related posts

Leave a Comment