Hanggang band aid solutions lang – solon MARCOS WALANG ALAM PERO KAPIT-TUKO SA DA

(BERNARD TAGUINOD)

DAPAT bitiwan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) dahil hindi naman sapat ang pang-unawa at solusyon nito sa mga problema sa sektor ng agrikultura at agraryo.

Dismayado si ACT party-list Rep. France Castro sa desisyon ni Marcos na manatiling kalihim ng kagawaran dahil tanging agricultural importers aniya ang makikinabang dito.

Hanggang band aid lang aniya ang alam ni Marcos Jr., na solusyon sa sektor ng agrikultura kaya hangga’t hindi nito binibitiwan ang DA ay malabong makamit ang food security at mababang presyo ng pagkain sa bansa.

Ayon sa mambabatas, kailangan ang isang full-time secretary sa DA na may puso sa mga magsasaka at may alam kung paano solusyunan ang problema kasama ang usapin sa agraryo.

“Unfortunately, the remedies being implemented by the DA under Marcos are mostly band-aid solutions and entail the importation of key agricultural products like rice, sugar, onions, and the like,” ani Castro.

Hindi aniya nakatutulong si Marcos sa mga magsasaka sa halip, lalong mababaon sa kahirapan ang mga lokal na magsasaka at malabong makamit ang food security na magiging daan sana para bumaba ang presyo ng pagkain.

“Instead of helping farmers, such measures (band aid solution) further mire them deeper into poverty but at the same time making agricultural importers richer,” banggit ng lady solon.

Hanggang wala aniyang sapat na tulong sa mga magsasaka, walang makatotohanang reporma sa agraryo at ayaw ipatigil ni Marcos ang land use conversion ay mamamatay ang sektor ng pagsasaka sa bansa lalo na kung mananatili si Marcos sa DA hanggang 2028.

Dahil dito, muling umapela ang mambabatas kay Marcos na ikonsidera nito ang pananatili sa DA.

“We call on the government to prioritize the interests of our farmers and the agricultural sector. We need a Secretary of Agriculture who will truly champion the rights and welfare of our farmers and not just implement band-aid solutions to the problems that they are facing,” ayon pa kay Castro.

43

Related posts

Leave a Comment