HATOL NG SC: UNLI DQ VS PICHAY

NAGLABAS ang Supreme Court (SC) First Division ng resolusyon na nagbabasura sa consolidated petitions na inihain ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay kung saan kinatigan din ng high tribunal ang parusang ‘dismissal from service’ na katumbas ng ‘perpetual disqualification to hold any position in government’ na ipinataw laban sa mambabatas.

Sa 40-page resolution ng naturang SC division, pinawalang-saysay ng SC ang hirit ni Pichay na isantabi ang mga naunang desisyon ng Court of Appeals (CA), Sandiganbayan at ng Office of the Ombudsman na pawang nagdidiin sa kongresista.

Base sa court records, ang Office of the Ombudsman ang unang nag-isyu ng desisyon kung saan napatunayang guilty si Pichay at dalawang iba pang mataas na opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa kasong misconduct at inutos ang ‘dismissal from service’ sa mga ito noong July 4, 2011. Ang tatlo ay naghain naman ng kani-kanilang Motions for Reconsideration subalit binalewala ng una noong August 1, 2011.

Sumunod nito ay dumulog naman si Pichay sa CA sa paghahain ng Petition for Review noong November 13, 2012 at iginiit na ang kanyang right to due process ay nalabag at maging ang pagpapataw sa kanya ng parusang dismissal from service ay iginiit niyang hindi naaayon sa Administrative Order No. 59.

“In its Decision dated October 23, 2013, the CA denied the petition of Pichay, thereby affirming the Ombudsman’s finding of grave misconduct, and his dismissal from service. The CA agreed with the findings of the Office of the Ombudsman, and likewise held that no violation of due process occurred as Pichay was given the opportunity to answer and argue against the accusations raised against him. Pichay filed a motion for reconsideration, which was denied in a Resolution dated February 24, 2014,” saad sa SC First Division resolution.

Bukod sa nasabing Ombudsman at CA decisions, inapela rin ng kongresista sa high tribunal ang resolutions na may petsang October 18, 2016 at November 17, 2017 na inisyu ng Sandiganbayan, na pumapabor sa Ombudsman findings na mayroong probable cause ang kaso laban kay Pichay at iba pa na three counts sa paglabag sa Sec. 3(e) ng Republic Act (R.A.) No. 3019 gayundin ang violation sa Section XI26.2(c)(1)(2) ng Manual of Regulations for Banks (MORB), na may kaugnayan sa Sections 36 at 237 ng R.A. No. 7653.

Subalit sa paghimay ng SC First Division sa mga hirit ni Pichay, mariing nitong kinontra ang mga alegasyon ng lawmaker na nalabag ang kanyang karapatan sa due process, hindi tamang desisyon umano ng Sandiganbayan na mayroong probable cause ang kasong isinampa laban sa kanya, ang pagkakaroon ng right for a speedy disposition of the case, at ang umano’y hindi katanggap-tanggap na hatol sa kanya ng Ombudsman na ‘perpetual disqualification for re-employment in the government service’.

“Under the RRACCS (Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service), the penalty of dismissal shall carry with it cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office, and bar from taking civil service examinations,” ng SC.

Bunsod nito, nalalagay ngayon sa alanganin ang reelection bid ni Pichay bilang kinatawan ng unang distrito ng Surigao del Sur kung saan kalaban niya sa naturang posisyon si incumbent Construction Workers Solidarity (CWS) partylist Rep. Romeo S. Momo, Sr., na dating DPWH Undersecretary.

Ang kaso laban kay Pichay ay nag-ugat sa panahong pinamumunuan niya ang LWUA kung saan pinangunahan niya ang pagbili ng ahensiya ng 445,377 shares ng Express Savings Bank, Inc. (ESBI), na katumbas ng 60 percent voting stock ng huli sa halagang P80-M.

Matapos ang nasabing bilihan, ang LWUA ay naglabas ng Board Resolution No. 303, Series of 2009, na nagtatalaga sa ESBI bilang kanilang depository bank noong August 4, 2009 kaya nagbukas ang ahensya dito ng savings account na agad ding nilang dinepositohan ng P300 milyong kinuha muna sa kanilang LandBank account.

Base sa kasong isinampa laban kay Pichay, sa panahong binili ng LWUA ang controlling shares ng ESBI, ang bangko ay nasa ilalim ng rehabilitation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya naman maituturing na disadvantageous para sa ahensya ang naging P780 milyong investment nito,

“In addition, LWUA’s purchases of ESBI shares were not authorized by the BSP and Monetary Board (MB), aside from it violating Section 15 of General Appropriations Act (GAA) for FY 2020 or preventing the use of government funds as investments or deposits to any private banking institutions.” Sabi pa sa SC resolution.

“Ultimately, the absence of the requisite MB (Monetary Board) approval resulted in losses on the part of the government in the total amount of P780 Million. This amount could have been used for other endeavors to help local water utilities.” giit ng high tribunal. (FERNAN ANGELES)

68

Related posts

Leave a Comment