HAZARD PAY SA COURT OFFICIALS ISINUSULONG

hazard pay33

(NI NOEL ABUEL)

MAGANDANG balita para sa mga taong gobyerno sa justice sector ang isinusulong sa Senado na pagbibigay ng hazard pay habang ginagawa ang trabaho ng mga ito.

Ayon kay Senador Leila de Lima, inihain nito ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng hazard pay ang mga nasa hudikatura na nahaharap sa life-threatening dangers dahil sa pagtupad sa tungkulin, kabilang ang paghawak sa kaso ng isang kriminal at napupunta sa lugar na may kaguluhan.

Nakasaad sa Senate Bill SB No. 624 o ang “Hazard Pay for Justice Sector Officials Act of 2019”, ang mga nasa first level at second level court officials tulad ng mga huwes, clerks of court, public prosecutors at public attorney, ay  dapat na makatanggap ng suporta sa pamahalaan sa pamamagitan ng hazard pays.

Isinulong ni De Lima ang panukalang paglalaan ng hazard pay kasunod ng nangyaring pagpatay kina Quezon City Prosecutor Prosecutor Rogelio Velasco at Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac kamakailan na pawang may hinahawakang kasong may kaugnay sa illegal drug at illegal firearms cases.

Gayundin ang kaso ni Davao Oriental Prosecutor Rolando Acido na napatay noong 2016 habang patungo sa Mati Hall of Justice.

112

Related posts

Leave a Comment