(NI AMIHAN SABILLO)
RANGGONG police general na ang magiging responsable sa pagtugis sa mga tiwaling kawani ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde makaraang, palitan ang dating PNP Counter Intelligence Task Force (CITF), ng isang bagong grupo na tatawaging “Integrity Monitoring and Enforcement Group” (IMEG).
Si dating CITF Chief Col. Romeo Caramat ang mamumuno pa rin sa bagong grupo na may kabuuang 306 personnel, 55 commissioned officers at 251 non-commissioned officers.
Ayon sa PNP Chief, ang IMEG ay kinokonsidera bilang National Support Unit na ang commander ay brigadier general ang ranggo, kaya, “approved in principle” na rin umano ang promosyon ni Col. Caramat sa Brigadier General, at kailangan na lang itong dumaan sa normal na proseso ng pag-apruba ng Napolcom.
Sinabi pa ni Albayalde, ang pagtatag ng IMEG na siyang magsasagawa ng intelligence monitoring, case build up, at law enforcement operations laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad, ay bahagi ng kanyang pagsisikap na i-‘institutionalize’ o gawing permanente ang ‘internal cleansing campaign’ ng PNP.
139