HIGIT 14K NA TINAMAAN NG COVID-19 SA PINAS

SUMAMPA na sa 14,035 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong data na inilabas ng Department of Health (DOH).

Sa case bulletin ng ahensya, nakapagtala ng 258 na bagong kaso ng sakit sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 195 ang nagmula sa National Capital Region; 51 sa iba’t ibang rehiyon; habang 12 ang galing sa Central Visayas.

Mula sa nasabing kabuuang bilang ay mayroong 9,918 active cases.

Patuloy naman ang paglobo ng bilang ng mga gumagaling na ngayon ay nasa 3,249 na.

Samatala, ang mga namamatay ay nasa 868 kasunod ng limang naiulat na binawian ng buhay. D. ANIN

67

Related posts

Leave a Comment