(NI FROILAN MORALLOS)
MAHIGIT sa 2,300 mga dayuhan ang hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa nitong unang anim na buwan ng taong 2019 resulta sa patuloy na kampanya ng ahensiya laban sa mga illegal alien.
Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nasa 2, 351 ang kabuuang bilang ng mga dayuhan ang agarang pinabalik ng BI sa kanilang mga port of origin .
Sa mahigit sa dalawang libong mga ilegal alien 1,920 ang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) at ang iba ay nasakote sa mga airport ng Mactan, Clark, Kalibo, Aklan at Davao.
Sinabi ni Morente na dumaan ang sinasabing bilang ng dayuhan ng primary at secondary inspection upang malaman ang tunay na layunin ng mga ito sa bansa at kung karapat-dapat manirahan sa Pilipinas.
Batay sa rekord ng BI nangunguna ang Chinese national na umabot sa 1,129 kasunod ang Indian, American, 52 Taiwanese at 67 Korean, at karamihan sa mga ito ay sex offenders, wanted, fugitive, at suspected international terrorist habang ang iba na pinabalik dahil napatunayan na wala silang mga visible means to support themselves, and whose purpose of coming here are doubtful. At ang iba ay mga walang galang pagdating sa Immigration counter bukod sa kulang-kulang ang mga dokumento.
100