HIGIT 3M KABATAAN FULLY VAXXED NA

TINATAYANG umabot na sa 3.1 milyong kabataan sa Pilipinas na may edad 5 hanggang 11 ang ‘fully vaccinated’ na kontra COVID-19.

Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa National Task Force against COVID-19.

Ang pigura ay may katumbas na 22.5% ng target para sa nasabing age group.

Kabilang sa mga nakitang hamon para sa vaccine rollout ay ang pagdududa ng mga magulang sa kaligtasan ng bakuna.

Sa Caloocan City, plano ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang information drive nito para tugunan ang usapin.
“Mababa ang ating demand o kagustuhan mula sa mga magulang o mga bata na mabakunahan laban sa COVID,” ayon kay Caloocan City COVID-19 Vaccination Coordinator Dr. Rachel Basa.

“Gagamitin natin iyong social media, iko-combat ‘yung fake news pagdating sa bakuna. Mayroon ding technology as means para mapabilis iyong pre-registration, at saka iyong pagpa-follow up sa mga pasyente,” dagdag na pahayag nito.

PInayuhan naman ng infectious disease specialist ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19, lalo na sa gitna ng presensiya ng mas maraming transmissible Omicron subvariants sa bansa.

“Napaka-importante para sa 5 to 11 years old… the fact that they’re also younger, their immune system does not work well in defending against infection, so there is also a higher possibility, compared to the 12 to 17 that they can also have more severe type of infection, even with a milder and less virulent Omicron,” ang pahayag naman ni Dr. Rontgene Solante. (CHRISTIAN DALE)

135

Related posts

Leave a Comment