HIGIT P1-B SRA NG HCWs INILABAS NG DBM

MAY go signal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo sa Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng eligible public at private health workers na kasama sa COVID-19 health care response.

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na inaprubahan na nito ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.04 bilyon Oktubre 3, 2022.

Sakop ng nasabing halaga, ayon sa DBM ang unpaid COVID-19 SRA claims ng 55,211 health workers, na makatatanggap ng grant na nagkakahalaga ng P5,000 kada buwan na kanilang ipinagsilbi sa panahon ng state of national emergency.

“We understand and recognize the selflessness and immense sacrifice that our health workers continue to pour out throughout these turbulent times. Isa po itong paraan sa pagkilala sa kanilang sakripisyo,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang mga kwalipikadong health workers ay tumutukoy sa medical, allied medical, at iba pang personnel na nakatalaga sa mga ospital at health care facilities, at direktang nangangalaga at “in contact” sa COVID-19 patients, persons under investigation (PUIs) o persons under monitoring (PUMs).
(CHRISTIAN DALE)

53

Related posts

Leave a Comment