Hindi ka sure na safe ‘yan, Mars PUBLIKO BINALAAN SA ‘ONLINE SIBUYAS’

PINAG-IINGAT ng Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagbili ng sibuyas mula sa online platforms dahil maaari itong “illegally imported” na nakapasok sa bansa.

Ayon sa DA, ang white onions o puting sibuyas na natuklasan sa online ang “most probably smuggled” sa bansa, dahil na rin sa hindi pa nakapagpapalabas ang departamento ng import permits para tugunan ang kasalukuyang kakapusan sa sibuyas.

“Lahat ng pumasok na ‘yan ay mukhang illegal,” ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez.

Makikita sa online posts na ang white onions ay mabibili sa halagang P1,650 para sa nine-kilogram sack o P180 per kilogram.

Hindi naman malinaw kung saan nanggaling ang white onion.

Ang babala pa rin ng DA, ang anomang smuggled products na nakapasok sa bansa ay hindi pa nasusuri at maaaring hindi akma para sa human consumption.

Sinabi pa ng DA na titingnan nila ang anomang nasabat na shipments ng white onions at rerebisahin ang mga ito kung nabenta sa mga tindahan ng Kadiwa o “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita”.

Samantala, sa pinakabagong monitoring ng departamento, natuklasan na ang presyo ng local red onions sa Kalakhang Maynila ay pumapalo sa P280.00 per kilogram “as of last Friday”, Disyembre 2, 2022.

Pahiwatig din aniya ito na walang available na suplay ng imported red onion, at ang kapwa local at imported varieties ng white onion. (CHRISTIAN DALE)

135

Related posts

Leave a Comment