HINDI NABILANG NA ‘YOLANDA’ VICTIMS ‘WAG KALIMUTAN – PBBM

HINDI dapat kalimutan bagkus ay dapat alalahanin ang mga hindi nabilang na namatay sa pananalasa noon ni Super Typhoon Yolanda (Haiyan).

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Martes ang 9th-year commemoration ng pagkawasak ng Tacloban City dahil sa nasabing super typhoon.

“I come here because I must commemorate those uncounted dead that up to now we do not know how many that number is. We must come to these commemorations so that we will remember those who we were told not to remember,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

“If you remember, during the count of the casualties, the count was stopped and we knew that there were still thousands out there and for those thousands… those countless thousands… we come here, we commemorate. Because if we no longer commemorate, their memory dies and it is only up to us to keep that memory alive,” dagdag na pahayag nito.

Ani Pangulong Marcos, ang paggunita ay demonstrasyon at manipestasyon ng lakas at katapangan ng mga Pilipino.

“To remind ourselves that Filipinos are brave, that Filipinos are kind, and that Filipinos will conquer all especially if it is for their community, and for their families, and for the land that they love,” ang winika ng Pangulo.

Ilang taon matapos manalasa si Yolanda, sinabi ni Pangulong Marcos na muling itinayo ang Tacloban City.

Kahit maging sa panahon ng kalamidad, siguradong makababangon at magbabalik aniya sa dati ang mga Pilipino.

“And it is a wondrous sight to see. And it always gives us hope that even if there are tragedies and disasters in other places, we know the Filipino spirit will never be quelled. The Filipino spirit will always burn bright and bring back normal life to their communities. That is what we commemorate,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, tumulak na patungong Cambodia si Pangulong Marcos Jr. kahapon para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits.

Inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad. Kabilang dito ang food security, energy security, digital transformation, digital economy at Ang may kinalaman sa climate change.

Bukod sa pagdalo sa summits mula Nobyembre 10 hanggang 13 ay makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Cambodia. (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment