HINDI PA GUILTY ANG MGA NAHULI SA VOTE BUYING – COMELEC

votebuying12

(NI NELSON S. BADILLA)

TINIYAK ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na hindi awtomatikong lumabag ang mga nahuling indibidwal dahil sa pamimili at pagbebenta ng mga boto, krimeng paglabag ng Omnibus Election Code.

Ani James Jimenez, iimbestigahan pa ang mga kasong inihain laban sa mga taong nahuli upang malaman kung totoong lumabag sila sa Artikulo 22 ng Omnibus Election Code o hindi.

Sa piskalya pa lang ay tutukuyin na kung matibay, malakas at sapat o hindi ang mga ebidensya hinggil sa kasong inihain laban sa kanila, patuloy ni Jimenez.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), halos 147 katao na mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kinasuhan ng pamimili at pagbebenta ng mga boto.

Kabilang sa mga ito ay nahuli noong Sabado habang nagaganap ang miting de avance ni dating Makati City Mayor Edwin Jejomar “Junjun” Binay Jr.

Si Binay ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod laban sa kanyang ate na si Mayor Abigail-len “Abbie” Binay – Campos.

151

Related posts

Leave a Comment