Hindi sumunod sa anti-COVID policies 886 PALPAK NA LOCAL OFFICIALS KINASUHAN

UMABOT na sa 886 local government officials ang nahaharap ngayon sa iba’t ibang reklamo mula administrative hanggang criminal cases, kaugnay sa diumano’y maling gawain at hindi pagsunod sa mga regulasyon para labanan ang coronavirus pandemic.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon ng madaling araw, may 886 local officials ang nahaharap sa criminal complaints kabilang na rito ang diumano’y maling paghawak ng cash aid distribution sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Mula sa 886 ay may 364 ang politiko habang ang iba naman ay appointed.

Mayroon aniyang 182 barangay officials ang nahaharap sa 182 administrative cases habang 19 na alkalde ang nabigyan ng show-cause orders dahil sa paglabag sa polisiya ng COVID-19 gaya ng pagdaraos ng public gatherings at illegal gambling sa gitna ng pandemya.

Kaya hinikayat ni Año ang local government officials na mahigpit na ipatupad ang anti-coronavirus policies sa kani-kanilang hurisdiksyon para epektibong mapabagal ang tinaguriang fast-spreading pathogen.

Sa huling ulat, ang Pilipinas ay nakapagtala ng mahigit 47,000 kaso ng COVID-19 na mayroong 1,309 namatay base sa official tally. (CHRISTIAN DALE)

89

Related posts

Leave a Comment