SA halip ilantad ang bawat sentimong pinaglaanan ng kanilang pondo, partikular ang taon-taong maintenance and other operating expenses (MOOE), kanya-kanyang drama ang mga mambabatas sa Kamara.
Ganito ang obserbasyon ng mga netizen matapos magsalita si House Speaker Martin Romualdez sa pagbabalik ng regular sesyon nitong Lunes.
Ani Romualdez, nakahanda siyang harapin at depensahan ang desisyon at aksyon ng mababang kapulungan sa harap ng mga isyu at pagbabanta sa integridad nito.
Ilan sa mga reaksyon ng netizens ay:
“They’ve resorted to answering the public by making melodramatic propaganda rather than being transparent. Sa madaling salita, they wanted this issue to die a natural death kaso hindi makalimutan ng tao.”
“Grabeng maka throw ng tantrum mga taga House of Representatives Hinihingan lang ng kwenta ng bayan”
“Ang hiling lang namin buksan ang libro..as a taxpayer san nyo ba nagagamit ang pera ng bayan..huwag na tayo magbulahan mga tambaloslos..kayo ang boses ng distrito nyo kawawa naman mga bomoto sa inyo tapos hindi boses nila ang nangingibabaw dahil sa personal na interest nyo.”
Tila kinantyawan naman ni Atty. Salvador Panelo si Romualdez.
Aniya, hindi binabanatan ang Speaker kundi humihingi lang si dating pangulong Rodrigo Duterte ng accounting.
“Walang nang-aaway sayo,” aniya pa sa kanyang programa sa SMNI.
Matatandaang sunod-sunod na binanatan ni Duterte si Romualdez at ang Kongreso kamakailan na inilarawan pa niya bilang pinaka-korap na sangay ng pamahalaan.
Aniya, si Romualdez ay maraming pondo kaya hinamon niya ang Commission on Audit (COA) na i-audit ito.
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
101