(ikalawang labas)
AYON sa alituntuning 65, maaaring ibasura ang protesta ng kandidato kapag lumitaw na natalo sa tatlong lalawigang ginamit bilang pilot areas ng protesta.
Bilang ponente ng desisyon ng PET, ito ang pangunahing ginamit ni Associate Justice Alfredo Caguioa bilang batayang legal upang ibasura ang protesta ni Marcos.
Natalo si Caguioa, sapagkat hindi niya nakumbinsi ang kanyang mga kapwa mahistrado, kabilang na ang tinaguriang “independent minded” na si Associate Justice Marvic Leonen, sa kanyang sala-salabat na mga argumento.
Idiniin ni Leonen at iba pang mahistrado na hindi wastong balewalain ang tama at legal na prosesong itinakda at iginiit ng Rules of Court na ibinabalik sa magkatunggaling partido ang resulta ng pag-aaral at pagsisiyasat ng korte sa mga ebidensiya ng isang kaso upang kunin ang mga komento ng magkalabang panig.
Kaya, ibinalik ng SC/PET sa kampo nina Marcos at Robredo ang resulta ng pag-aaral at pagsisiyasat nito sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na nilalaman ng ikalawang aksyon ni Marcos upang magbigay ng kani-kanilang pananaw ang dalawang magkatunggaling kandidato sa pagkapangalawang pangulo ng bansa noong eleksyong 2016.
Sa desisyon ng mayorya ng SC/PET, hindi nito idineklarang talo o panalo si Marcos sa naganap na halalan.
Wala ring sinabi ang SC/PET na si Robredo ang nagwagi sa halalan, kaya siya ang “opisyal” na pangalang pangulo ng bansa.
Hiningan lamang ng SC/PET ng pahayag at paliwanag ang kampo nina Marcos at Robredo. Tahasang nadismaya mismo si Robredo sa naging desisyon ng PET/SC.
Sa kasalukuyan, inaantay ng SC/PET ang pananaw at paliwanag nina Marcos at Robredo sa resulta ng pag-aaral at pagsisiyasat sa tatlong lalawigang gamit sa ikalawang aksyon ni Marcos.
Kabuuang mukha ng protesta
UPANG makita ng PET ang buong mukha at kabuluhan ng protestang elektoral ni Marcos laban kay Robredo, inihain ng kampo ni Marcos sa PET/SC ang ikatlong aksyon na magsasara sa protesta nito sa pagkabise presidente.
Sa nasabing hakbang, kumbinsidung-kumbinsido si Marcos na siya ang totoong nanalo sa eleksyon, sapagkat kaya umano niyang patunayang talamak at laganap ang pandaraya ng kampo ni Robredo. (NELSON S. BADILLA)
177