HIT LIST NG NPA MINALIIT NG PNP

cpp npa12

(NI NICK ECHEVARRIA)

MINALIIT lamang ng Philippine National Police (PNP) ang inilabas na “kill list” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kung saan target na patayin ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa inilabas na listahan ng mga gustong likidahin ng mga rebeldeng NPA umano sina Department of Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano, Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Major General Antonio Parlade Jr., National Commission on Indigenous Peoples Chairman Allen Capuyen, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at limang dating communist leader na ngayon ay tumtutlong sa anti insurgency campaign  ng gobyerno.

Ayon naman kay PNP Spokeperson BGen Bernard Banac, hindi na bago ang ganitong banta ng CPP/NPA at inaasahan na nila ang pag-atake ng mga ito sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo tuwing Dec. 29.

Idinagdag pa ni Banac na walang dapat ikabahala ang publiko “Dahil sila po ay ating matataas na pinuno sa ating security cluster. Hindi tayo nagpapabaya sa seguridad. Gayunman tayo po ay nagbibigay ng babala sa lahat ng gagawa ng karahasan ay mapapanagot sila sa batas.”

Sa panig naman ni Sec. Ano sinabi nito na hindi siya kayang sindakin ng mga banta ng CPP-NPA dahil lagi siyang nakahanda.

“I will not be intimidated by such an evil plot. We are prepared for that. We will get them before they can execute their plan. We’ll keep this country safe against these Godless communist terrorists/bandits, like a soldier, I am always prepared to fight,” pahayag ni Año.

 

288

Related posts

Leave a Comment