HIWALAY NA SECTION NG BABAE, LALAKI, KINONTRA NG DEPED

deped25

(NI DAHLIA S. ANIN)

HINDI pinaboran ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng National Youth Commission o NYC na paghiwalayin na ng section ang mga babae at lalaki sa Grade 7 hanggang Grade 12 upang mabawasan umano ang kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis.

Lumalabas sa pag aaral na mas lalong tumaas ang bilang ng kababaihang nabubuntis mula edad 15 hanggang 19.

Pero ayon sa DepEd, wala pa naman umanong pag aaral na direktang makapag

sasabi na makatutulong ang paghihiwalay ng babae at lalaki upang mabawasan ang bilang ng teenage pregnancy.

“Kailangan ng masusing pag-aaral yan. If that will be taken seriously. Kailangan ng pag-aaral dyan ano ang implications, fiscal implications,” ani DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Para naman kay NYC Chairperson Ryan Enriquez, “Maraming grade school pa lang may girlfriend at boyfriend sila dahil magkaklase sila. At kung meron silang activity na magsasama-sama sa isang bahay, doon mangyayari, pwedeng maging teenage mother agad-agad.”

Naniniwala ang NYC na kung magkakahiwalay ang babae at lalaki ng section, maiiwasan ang  masyadong pagkakadikit ng mga nagliligawan.

At kung may mga group projects na kailangan mag-overnight ay mababawasan ang tsansa nitong matukso ang mga kabataan na magkaroon ng sekswal na kontak sa isa’t-isa.

177

Related posts

Leave a Comment