HOARDERS, PROFITEERS BINALAAN NI PDUTERTE

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga negosyante laban sa ‘profiteering at hoarding ng essential medical equipment’ habang nakikipaglaban ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Dahil dito, inatasan ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na tingnan ang alegasyon na ang local supplier ay nag-overprice ng COVID-19 testing kits and machines at naantala ang delivery ng mga medical equipment sa bansa.

Sa public address ng Pangulo ay sinabi nito na ang hoarding ay ‘unacceptable act’ ng negosyante sa panahon ng pandemic.

“Alam mo, itong mga p*t*ng*n*ng negosyanteng ito, it’s really an issue of humanity and their greed. ‘Yung hoarding ano, you cannot, it’s part of the business practices which you may call not even obnoxious, it’s repulsive to the human mind when you start to think about it,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ng Pangulo na tatalakayin ng pamahalaan ang nasabing usapin sa legal na paraan.

“If the NBI has the probable cause, then go ahead. I still believe in what accrues to, accruing to government people working, the presumption of regularity in the performance of duties,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Sa ulat, si dating health secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin ang nag-akusa na may local supplier ang nagtaas ng presyo ng COVID-19 testing kits and machines, at pagkaantala ng delivery ng mga medical equipment sa bansa.

Inakusahan din ng mambabatas ang mag-asawang binansagan niya bilang “V.E.” na exclusive distributor umano ng testing kits and machines sa bansa. CHRISTIAN DALE

70

Related posts

Leave a Comment