HOUSE SPEAKERSHIP BID NI PULONG KINONTRA NI DU30

dutertes12

(NI BETH JULIAN)

NAGBANTA  si Pangulong Rodrigo Duterte na agad siyang magbibitiw sa puwesto kapag tumakbong House speaker ang anak na si incoming Davao City Rep. Paolo Duterte.

Isinapubliko ng Pangulo ang kanyang panawagan sa anak sa idinaos na oath taking ceremony ng mga government officials sa Malacanang.

Panawagan ng Pangulo sa anak  na si Paolo na kailangan ay abisuhan siya nito,  tatlong araw bago i-anunsyo ang pagtakbong speaker para naman agad siyang makapag-resign bilang Punong Ehekutibo.

“Marami na kami sa gobyerno, hindi na siya maaring maging speaker, ” wika ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, pawang mga nakapuwesto na sila sa gobyerno gaya ng mga anak na sina Davao City Mayor Sara at incoming Vice Mayor na si  Sebastian Duterte.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na bagaman may sariling desisyon ang kanyang mga anak, pakiusap pa rin nito kay Paolo na agad siyang abisuhan kung talagang tatakbo ito sa pagiging House speaker.

Una nang sumingaw na posibleng maupo bilang house speaker sina Cong. Lord Allan Velasco, ng Marinduque, Alan Cayetano, ng Taguig City, Pantaleon Alvarez, ng Davao Del Norte, Martin Romualdez, ng Leyte at Ace Barbers, ng Surigao Del Norte.

 

160

Related posts

Leave a Comment