I-regulate sa halip ipagbawal – solon PAPUTOK MAS DEADLY KUNG PATAGO

HINDI solusyon sa dumaraming firecracker-related accidents ang pagbabawal sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng paputok sa tuwing sasapit ang bisperas ng Bagong Taon, ayon kay Bulacan Rep. Salvador Pleyto.

Para kay Pleyto, mas angkop na tutukan na lang ng pamahalaan ang pamamayagpag ng industriya, kasabay ng giit na amyendahan na lang ang Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices) upang maiwasan ang pagdami ng ilegal na pagawaan.

Paniwala ng kongresista, mas dumarami ang mga ilegal na pabrikang gumagawa ng mas malakas at peligrosong paputok kumpara sa itinakdang panuntunan ng pamahalaan.

“Fireworks-related incidents become deadly and increase when banned,” ani Pleyto.

“However, despite the measures which are enacted and are already in place, firecracker-related injuries, loss of property and death. The merriment and festive environment brought by firecrackers and fireworks displays often turns into horror because of these incidents,” dagdag pa niya.

Ang solusyon ni Pleyto – amyendahan nito ang Section 1 ng RA 7183 para na rin aniya sa proteksyon ng mga manggagawa sa mga pabrika ng paputok at maging sa hanay ng mga mismong gumagamit ng mga paputok na karaniwang gamit para salubungin ang bagong taon.

Mungkahi pa ni Pleyto sa isinusulong an amyenda sa RA 7183, obligahin ang mga manggagawa ng paputok na magsuot ng personal protective equipment kapag nasa pagawaan, at pagtatakda ng local government units (LGU) ng mga lugar kung saan lang pwede at ligtas na paggamit ng mga paputok at pailaw.

Dapat din aniyang 500 metro ang layo ng designated area sa mga kabahayan sa hangaring maiwasan ang mga insidente ng sunog. (BERNARD TAGUINOD)

345

Related posts

Leave a Comment