IATF NAGTAKDA NG BAGONG QUARANTINE, TESTING PROTOCOLS SA INBOUND TRAVELERS

0

NAGPALABAS ng bagong quarantine at testing protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Pilipino at foreign travelers na manggagaling sa green, yellow, at red list territories, epektibo Nobyembre 22, 2021.

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na hindi pa rin makapagdesisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kung bubuksan ang bansa sa mga turista.

Ang mga fully vaccinated Filipino mula sa green list countries ay maaaring pumili na sumailalim sa negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) na gagawin sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure mula sa bansang kanilang pinagmulan.

Ang pagkakaroon ng negative pre-departure coronavirus (COVID-19) test ay basehan para ang mga pasaherong ito ay hindi na mapunta pa sa facility-based quarantine at on-arrival RT-PCR test.

Ang mga fully vaccinated Filipino naman na walang negative pre-departure COVID-19 test ay sasailalim sa COVID-19 test sa kanilang pagdating at sasailalim sa facility-based quarantine hanggang sa lumabas ang negative results.

Hihikayatin din ang mga ito na mag-self-monitor hanggang pang-14 na araw simula sa petsa ng kanilang pagdating.

Samantala, ang mga fully vaccinated foreign travelers ay required na sumunod sa test-before-travel requirement. Hindi naman ire-require sa mga ito na sumailalim sa facility quarantine o testing sa kanilang pagdating subalit kailangan na mag-self-monitor para sa sintomas hanggang pang-14 na araw.

“On the other hand, unvaccinated, partially vaccinated individuals whose vaccination status cannot be independently validated, and those vaccinated but failed to comply with the test-before-travel requirements must undergo facility quarantine until the release of a negative RT-PCR test that will be taken on the fifth day. They are also required to self-monitor for symptoms until the 14th day,” ayon kay Nograles.

Para naman sa fully vaccinated travelers mula sa yellow list territories, kailangan na magpakita ang mga ito ng negative pre-departure test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago pa ang kanilang departure mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

Sa oras na dumating na sa bansa, sasailalim ang mga ito sa facility-based quarantine at inaatasan na mag-RT-PCR test sa pangatlong araw.

Mapapalabas lamang sila sa pasilidad kapag lumabas na ang negative RT-PCR test at inaatasan din na mag-self-monitor hanggang pang-14 na araw mula sa petsa ng kanilang pagdating.

Samantala, ang mga bibiyaheng menor de edad ay kailangan sumunod sa kaparehong testing at quarantine protocols gaya ng mga magulang o guardians na kasama nila sa byahe.

“This is regardless of the minor’s vaccination status and country of origin,” ayon kay Nograles. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment