IATF PINAGLALATAG NA NG PANDEMIC EXIT PLAN

KAILANGAN nang simulan ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang paunang hakbang para maalis ang Pilipinas sa pandemic mindset, gaya ng pagpapagaan sa coronavirus (COVID-19) restrictions sa pagpasok ng international travelers sa bansa.

Sa liham na ipinadala nina Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at molecular biologist at OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco sa IATF, nakasaad dito kung paano ito gagawin ng IATF.

Kapwa ipinanukala nina Concepcion at Austriaco ang reinstatement o pagbabalik ng international travel protocols bago pa ang ipinatupad noong Disyembre 3, 2021, gaya ng: pre-departure testing within 24 hours of departure using either an RT-PCR or rapid antigen test, with additional PCR-based test upon arrival; three-day quarantine; and arrival testing on the third day of the quarantine, with exit permitted upon showing a negative result.”

Ang mga protocol na ito ay inaprubahan at ipinatupad subalit itinigil nang sumirit ang COVID cases sa bansa dahil sa Omicron variant.

“At this time, the Omicron surge has peaked in the NCR (National Capital Region) and is expected to peak in the different regions of the country in the next two weeks,” ang nakasaad sa liham.

“In its wake, this surge will confer significant population protection throughout the archipelago,” dagdag na pahayag nito.

Tinukoy rin ng mga ito ang malaking bilang ng mga Pilipino na mayroon nang immunity mula sa COVID-19, maging ito man ay sa pamamagitan ng infection-acquired immunity o sa pagbabakuna.

Kapwa naniniwala ang mga ito na ang pagbubukas ng bansa sa mundo sa pamamagitan ng pagpapagaan at pagkasa ng simpleng travel restrictions ay mauuwi sa maraming downstream benefits sa ekonomiya lalo na sa micro, small and medium enterprises, na 99.5% ng negosyo sa bansa.

Ani Concepcion, sa hanay ng Asian countries, tanging ang Pilipinas, Myanmar, at Japan ang mayroong “strictest travel restrictions” habang ang ibang bansa ay binawi na ang curfews at stay-at-home orders, binuksan na ang kanilang borders sa mga non-citizens at non-residents, at pinayagan na ang lahat o most commercial flights sa bansa.

Sinabi ni Austriaco na posible rin ang “test-and-go” system ng Thailand sa Pilipinas.

Samantala, naniniwala si Concepcion na ang travel restrictions ng bansa ay maaaring pagaanin na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng mga byahero sa pamamagitan ng pag-alis sa facility-based quarantines at sa halip ay i-require na lamang ang home quarantines.

Ipinanukala rin nito ang re-allocating ng resources na ginamit sa facility quarantines sa mas pinaigting na surveillance ng positive COVID-19 cases sa mga arriving passengers dahil makalilikha aniya ito ng mas kapaki-pakinabang na data na magiging bagay sa hinaharap. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment