(NI JG TUMBADO)
PATULOY ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga naglipanang investment scam sa bansa.
Base sa ulat ni Police Major General Amador Corpus, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), maliban sa Kapa Community Ministry International, apat na investment companies pa ang sinalakay ng kanilang mga tauhan.
Ito ang Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm na karamihan ay nasa Mindanao ang operasyon.
Sinabi naman ni Corpus na sa ginawang pagsakalay, wala na silang inabot na mga tao sa mga opisina kundi mga dokumento na lamang ang kanilang nasamsam.
Paliwanag pa ng opisyal, ang mga establisyemento na kanilang sinalakay ay may permit mula sa Sec o Securities and Exchange Commission pero kulang pa ito ng isang permit na sale of securities para maturing na investment company.
Samantala, ipinaubaya na ng CIDG sa NBI ang pag-iimbestiga sa Kapa, habang sila naman ay nakatutok sa iba pang mga investment scam companies.
146