IBA’T IBANG AHENSYA NAGKAISA SA KAMPANYA KONTRA DROGA

LUMAGDA ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Council (NICC) at Bureau of Corrections (BuCor) ng memorandum of agreement (MOA) para lumikha ng synchronized Anti-Illegal Drug Campaign partikular sa mga piitan sa bansa.

Kasama rito ang pagpapanatili ng kooperasyon at pakikipagtulungan para masawata ang ilegal na droga sa loob at labas ng penal farm sa buong bansa.

Lumagda sa MOA sina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Assistant Director General for Counter Intelligence Rolando E. Asuncion na kumatawan kay NICA Dir. General Ricardo F. De Leon, NBI Dir. Atty. Medardo G. de Lemos, PNP Chief, PGen. Benjamin C. Accords Jr. at PDEA Dir. Gen. Moro Virgilio M. Lazo.

Sa pamamagitan ng MOA, ay mabubuo ang Inter-Agency Collaborative Group (IACG) laban sa drug trafficking sa mga correctional at prison facilities at penal farms ng BuCor.

Saklaw rin ng MOA ang BuCor facilities sa New Bilibid Prison (Muntinlupa City), Correctional Institution for Women (Muntinlupa City), Iwahig Prison and Penal Farm (Puerto Princesa City, Palawan), Sablayan Prison and Penal Farm (Occidental Mindoro), Leyte Regional Prison (Abuyog, Leyte), San Ramon Prison and Penal Farm (Zamboanga City) at Davao Prison and Penal Farm (B.E. Dujali, Davao del Norte).

(JESSE KABEL RUIZ)

234

Related posts

Leave a Comment