‘IBON FOUNDATION WALANG KREDIBILIDAD’

ibon44

(NI NICK ECHEVARRIA)

BINAKBAKAN ni MGen. Antonio Parlade Jr.  ang kawalan ng kredibilidad  ng  Ibon Foundation sa pagsuporta sa inaprubahang resolution ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na layuning imbestigahan ang kalagayan ng human rights sa bansa.

Si Parlade ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  (NTF ELCAC) at kasalukuyang Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations ng Armed Forces of the Pilippines.

Inakusahan din ni Parlade  ang Ibon Foundation na bahagi nang pagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa bansa  sa loob ng nakalipas na 40 taon at sinasadaya umanong baligtarin ang mga datos at impormasyon para palabasing api ang Pilipinas at makalikom ng malaking pondo  sa mga dayuhang  bansa.

Hindi na rin umano nakagugulat, ayon sa heneral, sakaling ang Ibon Foundation ang pangunahing source ng mga bansa sa Europa at United Nations kaugnay sa masamang pagtingin ng mga ito sa human rights sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Parlade na hindi na rin bago sa kaalaman ng publiko ang pagiging CPP/NPA-front organization ng Ibon Foundation sa siyang nangangasiwa sa pagpapakalat ng mga propaganda  nito.

Ibinunyag pa ni Parlade na ang CPP ang may gawa ng Manual ng Ibon Foundation kung saan ang mga kadre at asawa ng mga NPA ang umupo bilang mga board of editors.

272

Related posts

Leave a Comment