IBP PINASALAMATAN NI NOGRALES

PINASALAMATAN ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa kanilang aksyon para proteksyunan ang mga frontliner na nakararanasa ngayon ng karahasan at diskriminasyon sa gitna ng giyera kontra COVID-19.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos sabihin ni IBP President Domingo Egon Cayosa na handa ang kanilang grupo na ipagtanggol ang mga frontliner at maging ang mga COVID-19 patient na dini-discriminate dahil sa paniniwalang nagdadala ang mga ito ng virus sa kanilang komunidad.

“I thank my fellow lawyers for assuring our frontliners that they are ready to take the cudgels for them and defend their rights,” ani Nograles na isang Harvard-trained lawyer.
Kabilang sa mga diskriminasyon na nararanasan ng mga frontliner lalo na ang mga doctor, nurse at iba pa, ay tinatanggihang isakay ang mga ito, hindi pinapapasok sa kanilang boarding house habang ang mga CoVID-patients ay tinatanggihan naman sa mga pagamutan.

Pinakahuling insidente ng diskriminasyon at karahasan na ginagawa sa mga nasa frontline sa laban kontra COVID-19 ay ang karanasan ng isang ambulance driver na binaril sa daliri sa Quezon Province dahil inakusahang nagdadala ng virus sa kanilang komunidad.

“Nakalulungkot lang na may ganitong diskriminasyon sa halip na magbigay-pugay tayo sa mga taong humaharap sa panganib ng pandemic na ito para tayo ay maging ligtas,” ani Nograles.

Dahil dito, nanawagan si Nograles sa mga Local Governent Unit (LGU) na gumawa ng ordinansa na poprotekta sa mga frontliner dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hahabulin ang mga taong nagdi-discrimate sa mga manggagawa sa pagamutan.

“Our quarantine guidelines already have these provisions, but unless every LGU complies we won’t be able to put in place a working mechanism that ensures the safety and well-being of our frontliners,” ayon pa rito.

Umapela rin ang mambabatas sa publiko na huwag katakutan ang mga frontliner at huwag magpadala sa kanilang pangamba at takot dahil hindi ito makatutulong sa problemang kinakaharap ngayon ng bansa.

“Kung magpapadala po tayo sa mga ganitong emosyon, mahihirapan tayong sugpuin ang panganib ng COVID-19.

Ang kinakailangan natin ngayon ay pagtutulungan at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba,” dagdag pa ni Nograles. BERNARD TAGUINOD

131

Related posts

Leave a Comment