ICC WALANG AASAHAN SA GOBYERNO NG ‘PINAS

icc12

(NI BETH JULIAN)

WALANG maaasahan ni katiting na kooperasyon mula sa alin mang ahensya ng gobyerno ang International Criminal Court (ICC).

Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ni ICC Criminal Prosecutor Fatou Bensounda na nagsabing itutuloy pa rin nila ang inisyal na imbestigasyon laban sa anila’y insidente ng extra judicial killing (EJK) at paglabag sa karapatan-pantao sa Pilipinas.

Ipinunto ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na hindi naman kailanman napasailalim sa hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas.

Paliwanag ni Panelo, hindi naman naging binding ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Statute dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso ng publication sa bansa.

Sinasabing ang proceeds na ipinadala sa United Nations ay paghahayag na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi alam ang pagkalas sa kasunduan.

Dito sinabing hindi tama ang terminong ginagamit ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas ang Pilipinas sa ICC.

Iginiit ni Panelo na tama ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kilalanin ang ICC dahil hindi kailanman nagkabisa ang pagpirma ng gobyerno sa Rome Statute.

148

Related posts

Leave a Comment