ILANG FLIGHTS SA NAIA TERMINAL 2 ILILIPAT NA SA TERMINAL 1

SIMULA ngayong Disyembre 1 ay ililipat na ang ilang flights mula NAIA Terminal 2 patungo sa NAIA Terminal 1.

Sa Laging Handa public briefing, inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Brian Co na ang hakbang ay upang mapaluwag ang NAIA Terminal 2 dahil na rin sa dami ng flights ng Philippine Airlines.

Aniya, mas maluwag ang NAIA 1 at kayang mag-accommodate pa ng flights na magmumula sa NAIA Terminal 2.

Magsisilbi aniyang pambalanse ang hakbang na ito upang hindi naman maging siksikan ang terminal 2 lalo na ngayong holiday season.

Sa kabilang dako, apektado ng naturang hakbang ang mga papunta at parating galing ng Estados Unidos, Canada at Middle East.

Samantala, bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, winika ni Co na magdaragdag sila ng manpower kabilang na ang ground handlers habang titiyakin din ng kanilang operations na ligtas ang mga bumibiyaheng eroplano. (CHRISTIAN DALE)

46

Related posts

Leave a Comment