ILLEGAL BLACK SAND MINING OPERATIONS, PINATITIGIL

black sand55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SUPORTADO ni Senador Leila de Lima ang mga panawagan na ipatigil ang illegal black sand mining operation sa Cagayan River dahil sa negatibong  epekto sa kalikasan at posibleng pagkawala ng kabuhayan ng mga residente.

Sinabi ni de Lima na ang malawakang extraction ng black sand sa pinakamahabang ilog sa bansa ay nangangailangan ng agarang atensyon at pagkilos.

“Dahil sa walang humpay at iligal na black sand mining, nababawasan ang kabuhayan ng ating mga mangingisda at katutubo, at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at ari-arian.  Ito ay lantarang pagnanakaw ng ating lupa,” saad ni de Lima.

Batay sa report, saklaw ng illegal mining ng black sand ang ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan kung saan nakikita ang dredging ships na may Chinese markings simula noong Hulyo.

Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang provincial board members hinggil sa dredging operation kung saan lumitaw na nasa P2.6 billion kada buwan ang kinikita ng contractor sa proyekto.

Iginiit ni de Lima na panahon na upang magpasa ng batas na magbabawal sa ganitong uri ng mga aktibidad.

“Huwag nating payagan na muling namamayagpag ang pagnanakaw na ating buhangin sa ating mga kamay. Muli kong itutulak ang aking panukalang batas upang ipagbawal ang black sand mining at matigil ito sa lalong madaling panahon,”

250

Related posts

Leave a Comment