(NI NOEL ABUEL)
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paglusaw sa inaamag nang Immigration Act upang makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa.
Ayon kay Zubiri, panahon nang palitan ang nasabing batas at palitan ng ibang komisyon para lalong makasabay ang bansa sa ipinatutupad na mahigit na pagbabantay sa teritoryo at national interest.
“In an increasingly globalized age, where borders are made porous by technological advancements and where economies live and die by the politics of international relations, it is imperative that the State strengthen its immigration policies for the protection and growth of the nation and its citizens,” ayon pa kay Zubiri.
Sa inihain nitong Senate Bill no. 107, nais nitong palitan ang Immigration Act ng Commission on Immigration na mag-oobliga sa mga dayuhan na kumuha muna ng visa bago pa makapasok sa bansa bilang non-immigrats.
Gayundin, magtatakda rin ang komisyon ng quota o cap sa mga dayuhang nais pumasok sa Pilipinas.
“For a developing nation that counts migrant workers as one of its most valuable exports, whose coastal territories are time and again questioned if not threatened by foreign powers, and for a nation that holds huge potential for foreign investments, immigration affairs can be but one of the most pressing national concerns,” ayon pa kay Zubiri.
Magiging responsable rin umano ito sa pagkakaloob ng refugee status sa sinumang dayuhan na lumisan sa kanilang bansa at humingi ng proteksyon sa Pilipinas.
Bubuuin umano ang komisyon ng mga Regional Immigration Offices sa buong bansa upang mapadali ang transaksyon sa ahensya.
“By elevating the State’s immigration measures, the Philippines will establish itself as a competent, formidable force in the international scene, and in doing so will invite foreign respect and confidence, opening lucrative global opportunities for the nation,” dagdag pa nito.
204