IMPORTED RICE BAWAL SA PANAHON NG ANIHAN – DU30

rice1

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang aangkating bigas sa panahon ng anihan.

Ayon sa Pangulo, kailangan munang ubusin ang stocks ng bigas ng mga lokal na magsasaka bago pag-isipan kung kailangan mag-angkat.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na kahit mahal ang presyo ng bigas sa mga lokal na magsasaka ay handa pa rin itong bilhin ng pamahalaan kaysa bumili sa labas ng bansa.

Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang sumama ang loob ng mga lokal na magsasaka kaya kahit magpakalugi na ang pamahalaan ay kapakanan pa rin ng mga lokal na magsasaka ang kanyang uunahin.

 

121

Related posts

Leave a Comment