IMPROVEMENT NG GOV’T HOSPITALS ITINUTULAK SA SENADO

UMAPELA ng suporta ang isang senador para sa pagpapabuti ng dalawa sa mga pampublikong ospital sa bansa sa gitna ng pandemyang COVID-19.

“Sana sa panahon ng pandemic, suportahan  natin ang pagpasa ng batas na makakatulong sa ating kababayan.”

Ito ang apela ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher Bong Go sa kanyang sponsorshop speech sa Senado kaugnay sa panukala para sa improvement ng dalawang government hospitals.

Kabilang sa mga ito ang isinulong na sa Kamara na House Bill 6036 at House Bill 6144.

Sinabi ni Go na kabilang sa mga ito ang panukalang increase sa capacity ng Cagayan Valley Medical Center na isang level 3 DOH-hospital sa Tuguegarao City na siyang tumutugon sa mga pasyente sa region 2 at mga kalapit lalawigan  ng Cordillera Administrative Region gaya ng Apayao, Kalinga at Ifugao.

Sa kanyang talumpati sa Senado, sinabi ni Go na noong 2018 hanggang 2019, nakapagtala ang CVMC ng 16,155 na hospital admission na mas mataas sa standard.

Ito ang dahilan kaya isinusulong ang pagpapataas sa bed capacity ng ospital mula 500 patungong 1,000 capacity.

Samantala, tinukoy rin ni Go ang pagsasaayos ng bed capacity ng Las Piñas General Hospital and Trauma Center na mayroon lamang 200 bed capacity gayung ilang lungsod at bayan ang siniserbisyuhan nito.

Sa kasalukuyan ay mayroon lamang 200 bed capacity ang LPGH kung saan target itong  maitaas sa 500 beds para makatulong sa mga pasyente sa lungsod at mga kalapit na lugar lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. NOEL ABUEL

79

Related posts

Leave a Comment