USAP-USAPAN sa social media ang sikretong pagtatalaga umano sa kontrobersyal na si Michael Ma bilang Special Envoy of the President to China.
Kinukwestyon ng mga netizen kung bakit hindi inanunsyo ng Palasyo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Ma o kung totoo bang itinalaga ito sa kabila ng pag-uugnay dito sa smuggling.
Base sa kumalat na video clip, isa si Ma sa mga dumalo sa isang okasyon na nagtatampok ng Chinese culture at contemporary China sa Maynila.
Post ng isang netizen sa X:
“MICHAEL MA, partner of LIZA MARCOS in China-Philippines Unified Inc. a Consultancy Firm that provides Business Solution to Chinese nationals doing business in the 🇵🇠is the Special Envoy of the President to China??
Since when?? Why everybody is silent about his appointment??”
Sa Facebook, makikita rin ang post ni Sass Rogando Sasot ng video clip na kuha sa isang okasyon kung saan ipinakilala si Michael Ma bilang special envoy to China.
Narito ang mga reaction sa Facebook post ni Sasot:
“jusko…part pala ng admin ang smuggler?”
“wow ha smugler naging envoy..pa may SPG pa bakit kaya?”
“Kaya pala Ä‘i na pinadalo sa hearing ng congress”
“Nakakatakot na at ang administrastion ni Marcos/ Araneta at Romoualdes ay administration of lawlessness and illegal activities are so rampant. Step down BBM and abolish this two house of shame.”
“Kaya pala wala pang nahuhuling big time smugglers, barkada pala niya.”
“Smuggler to d b sabi nung congress tapos biglang nawala na un imbestigasyon na un sa isang upuan lang..hahahaah..michael ma..jung jung jung jung!”
Sa X naman, dating Twitter ay pinatutsadahan ang Presidential Communications Office dahil mistulang inilihim ang pagtatalaga kay Ma.
“Cheloy Garafil, Presidential Communications Office, Philippine News Agency, RTVM, Franz Imperial, wala bang pics jan ng oath taking ni Michael Ma?
Bakit hindi niyo pinakita sa public??”
Narito ang iba pang reaksyon na mababasa sa X:
“Yung Michael Ma na di sumipot sa hearing ng Congress na naglaho na rin ng parang bula about smuggling ay special envoy pala natin Sa CH?”
“is that video of Michael Ma being called the Special Envoy of the President to China for real? or edited ba iyon?”
“Who is Michael Ma?
Not much is known about PBBM’s newest special envoy to China, other than the fact that he shares the same Chinese surname as Marcos when phonetically rendered in Mandarin. But he appears to be in the inner circles of BBM LAM Duterte & many more. Nihao, Mr. Ma.”
“di ba si @teddyboylocsin ang inappoint ni @bongbongmarcos bakit si MICHAEL MA Na at di yan napabalita hahaa”
“ito yung mga sindikato ng smuggling na hindi malutasan ng DA.”
Nakapost ang buong video sa Chinese Embassy Manila FB page.
Matatandaang sa pagsisimula ng imbestigasyon sa umano’y smuggling activities sa Subic Port noong Pebrero, hiniling ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr., ang pagdalo sa Kongreso ng brokers, importers at facilitator na umano’y sangkot sa large-scale agricultural smuggling.
“I, as principal author of House Resolution No. 311, would like to request the Committee on Ways and Means to issue subpoenas for the following brokers/importers/facilitators allegedly involved in large-scale agricultural smuggling in local ports in the Philippines, namely: Michael Ma, Lujene Ang (300+ containers per week of GM – MICP), Andrew Chang (POM/MICP/Batangas),Beverly Peres, Aaron, Manuel Tan (CDO/Subic/Batangas), Leah Cruz (CDO/MICP), Jun Diamante (CDO), Lucio Lim (Lugene Ang right hand man in BOC), Gerry Teves (MICP),” ani Suansing.
1343